Retokadong talambuhay, manipuladong salaysay: ang pananalambuhay kina Manuel M. Quezon at Ferdinand E. Marcos
Date
6-2015
Abstract
Layunin ng disertasyong ito na suriin ang mga historiograpiko at sosyopulitikal na mga isyu ng tradisyong heroic biography sa Pilipinas. Ginamit bilang mga instrumentong heuristika ng pag-aaral ang mga biograpikong naratibong nasulat hinggil kina Manuel Luis M. Quezon (1898-1944) at Ferdinand Emmanuel E. Marcos (1917-1989) - mga dating punong ehekutibo ng bansa na kapwa nagpakita ng mga tendensiyang diktatoryal at naglunsad ng mga hakbang tungo sa rebisyunismong historikal biograpikal. pamamagitan ng kumparatibong Pagsusuri Sa mga akdang ito, lumitaw sa pag-aaral ang magkakaibang antas ng pagretoke at manipulasyon sa mga biograpikong salaysay na lumikha ng tila mga walang-dungis' at 'mala-bayaning imahe ng dalawang dating Pangulo. Ipinakita ng pag-aaral na ang magkakaibang pananaw at 1ulog ng mga biograpo av nakapaloob at karaniwang naapektuhan ng igting ng nangingibabaw na kapangyarihan at binabago ng umiiral na kundisyong pulitikal ng kanilang lipunan. Higit sa lahat, ang magkakaibang pananaw at dulog ng mga biograpo ay bunga ng magkakaibang pamantayan at mga adhikain ng kanilang magkakaibang panahon. Nakabatay sa presentistang pananaw, ang magkakaibang adhikain at pamantayang ito ay nagluwal ng magkakaiba - at sa maraming Pagkakataon- magkataliwas at nagbabanggaang mga 'reyalidad" hinggil sa mga buhay nina Quezon at Marcos.
Document Type
Dissertation
Adviser/Committee Chair
Maria Bernadette L. Abrera, Ph.D.
Language
Filipino, English
Call Number
LG 996 2015 P46 J38
Recommended Citation
Javar, Roderick Cruzat, "Retokadong talambuhay, manipuladong salaysay: ang pananalambuhay kina Manuel M. Quezon at Ferdinand E. Marcos" (2015). Graduate Student's Output. 3992.
https://www.ukdr.uplb.edu.ph/etd-grad/3992
Notes
A dissertation in partial fulfilment of the requirements for the Degree of Doctor of Philosophy in Philippine Studies under the Tri-College Ph.D. Philippine Studies Program of Asian Center (AC), the College of Arts and Letters (CAL), and the College of Social Sciences and Philosophy (CSSP) in the University of the Philippines Diliman