Buhay soltero at buhay soltera : ang mga karanasan, kalagayan at pagtingin sa hinaharap ng mga matatandang binata at matatandang dalaga

Date

6-2016

Degree

Bachelor of Arts in Sociology

College

College of Arts and Sciences (CAS)

Adviser/Committee Chair

Augustus T. Anonuevo

Abstract

Ang pamumuhay bilang soltero at soltera sa Pilipinas ay tinitingan ng lipunan bilang hindi kaaya-ayang kahantungan ng isang indibidwal. Kinapapalibutan ang katayuang sibil na ito ng hindi pantay na pagtingin sa lipunan kung kaya ang pag-aaral na ito ay naglalayon na maintindihan ang buhay ng mga soltero at soltera. Partikular na mga layunin ay ang matukoy ang mga karanasang nagbunsod upang maging soltero o soltera, maisalarawan ang mga kasalukuyang kalagayan bilang soltero o soltera, matukoy ang pagtingin sa hinaharap ng mga soltero o soltera at maihalintulad ang mga karanasan ng soltero at soltera sa isa't isa. Ito ay isang naratibong pananaliksik na gumamit ng malalim na pakikipanayam bilang metodo. Ang mga kalahok ay kinabibilangan ng mga matatandang binata at matatandang dalaga, edad 40 pataas at naninirahan sa probinsya ng Quezon. Ang mga datos na nakalap ay dinalumat sa pamamagitan ng restorying. Ito ay isang uri ng pag-analisa sa naratibong pag-aaral kung saan ang mananaliksik ay gumagawa ng restorying ng kronolohikal na mga karanasan ng bawat kalahok. Ang mga buhay salaysay ng bawat kalahok ay pinagsasama-sama at hinanapan ng mga tema upang makabuo ng isang pangkalahatang restorying. Ang pagiging soltero o soltera ay binubuo ng mga nakalipas na mga karanasan na nagbunsod upang maging matandang binata o matandang dalaga. Para sa mga soltero, ang pinakamahalagang nagbunsod ng kanilang pagiging matandang binata ay ang kawalan ng kakayanang pampinansyal upang tustusan ang pagpapamilya. Maituturing na ang ganitong kadahilanan ay nakadikit sa tradisyunal na pagtingin ng lipunan sa gampanin ng mga lalaki sa pamilya bilang tagapagtaguyod. Ang pinakamahalagang bahagi naman sa karanasan ng mga soltera ay ang konserbatibong paraan ng pagpapalaki sa kanila sa pamilya. Noon pa lamang ay itinitimo na sa kanilang kaisipan ang mga hindi kaaya-aya sa pag-aasawa. Sa kasalukuyan, ang mga karanasan ng mga soltero at soltera ay halos hindi nagkakalayo. Pareho silang karaniwang nakatatanggap ng mga katanungan hinggil sa kadahilanan ng kanilang pagiging matandang binata o matandang dalaga. Sa nararanasang kakulangan at kabutihang dulot ng pagiging soltero o soltera, higit na matimbang para sa mga soltero ang nararamdamang kakulangan kumpara sa mga soltera. Sa mga gampanin naman sa buhay ay parehong mga soltero at soltera ay nagsisilbing tagapag-alaga ng kanilang mga kapamilya at nagsisilbing takbuhan ng mga may problem. Tinitingnan ng mga soltero ang kanilang hinaharap nang may pag-asang makakapag-asawa kung sakaling tumaas ang antas ng pamumuhay. Mahalaga ito sapagkat ang pagpapamilya ang kanilang nakikitang kasagutan sa pangambang walang mag-aalaga sa pagtanda. Ang mga soltera naman ay kinatataglayan ng kapanatagan sa buhay. Buong kaganapan na nilang natanggap ang pagiging matandang dalaga kung kaya hindi na sila naghahangad pang makapag-asawa sa hinaharap.

Language

Filipino

LC Subject

Single people, Single people--Life skills guides, Single people--Dwellings.

Location

UPLB Main Library Special Collections Section (USCS)

Call Number

LG 993.5 2016 S7 U43

Document Type

Thesis

Share

COinS