Sa loob at sa laya : naratibong pag-aaral sa mga Pilipinang dating persons deprived of liberty dahil sa kasong droga

Date

6-2022

Degree

Bachelor of Arts in Sociology

College

College of Arts and Sciences (CAS)

Adviser/Committee Chair

Prince Kennex R. Aldama

Abstract

Layon ng naratibong pag-aaral na ito na alamin ang buhay ng mga Pilipinang Dating Persons Deprived of Liberty (PDPDL) at nakulong sa kasong droga bago at habang sila ay nakakulong, ang mga hamong nararanasan nila sa paglaya at kung paano nila ito hinaharap, at ang pananaw nila sa sarili at hinaharap matapos makalaya. Ang 12 kalahok ay pinili sa pamamagitan ng snowball at purposive sampling at kinapanayam sa pamamagitan ng Facebook video call o Zoom. Gamit ang lente ng critical theory at holistic-content perspective, ang nakolektang datos ay sinuri at muling inilahad batay sa indibidwal, nauulit, at pangkalahatang naratibo. Natuklasan na bago makulong, nakararanas ng kahirapan ang mga PDPDL-bakas sa kawalan nila ng kakayahang makatapos ng pag-aaral, maagang pagkakaroon ng anak, at pangangailangang pinansyal bilang pangunahing motibasyon sa pakikisangkot sa droga—at mayroon silang malalapit na kakilala na sangkot sa droga. Tulad sa laya, ang pangungulungan ay may kaaakibat na pagsubok at pakinabang, partikular sa espasyo, kalidad ng pangunahing pangangailangan, pamilya, pagkakakitaan, at iskedyul ng mga gawain. Matapos makalaya, walang pagbabago sa pakikitungo ng mga tao sa ilang PDPDL, habang ang iba ay nakararanas ng diskriminasyon. Dahil dito, mahalaga ang emosyunal at pinansyal na suportang ibinibigay ng pamilya ng PDPDL habang sila ay nakakulong at matapos nilang makalaya. Samantala, mas maayos na sarili at hinaharap naman ang pagkakakilanlang sinusubukang buuin ng mga kalahok. Ito ay bakas sa pagtingin nila sa pangungulungan bilang positibong pangyayari sa kabuuan, pag-iwas sa mga itinuturing nilang masamang impluwensya, pagpapahalaga sa sarili at mas pinaplanong hinaharap, at sa pagkakatali ng pangarap para sa sarili sa mithiin para sa pamilya.

Language

Filipino

LC Subject

Women ex-convicts -- Philippines -- Narratives, Female offenders -- Rehabilitation -- Philippines, Drug abusers -- Rehabilitation -- Philippines, Women ex-convicts -- Family relationships

Location

UPLB Main Library Special Collections Section (USCS)

Call Number

LG 993.5 2022 S7 D53

Document Type

Thesis

This document is currently not available here.

Share

COinS