Ang batayang pormula ng territorio de los hombres batch 1 ni Vanessa at ang mga pinagbabatayan nito: Isang pagbasang istruktural

Date

6-2011

Degree

Bachelor of Arts in Communication Arts

College

College of Development Communication (CDC)

Adviser/Committee Chair

Dennis Andrew S. Aguinaldo

Committee Member

Christian Tablazon,

Request Access

To request access of this material, please email the administrator at uscs-mainlib.uplb@up.edu.ph

Abstract

Nakapagtatakang habang umiiral sa kasalukuyan ang iba‟t ibang anyo ng makabagong libangan, naninitiling matatag na industriya pa rin ang nobelang romansang Tagalog sa Pilipinas. Inuugat ang patuloy na tagumpay na ito ng nobelang romansa sa batayang pormulang sinusunod sa pagsulat ng nasabing anyo, na bagaman prediktable ay naninitiling patok sa kumokonsumong madlang-mambabasa. Sa pag-aaral na ito, isinailalim sa istruktural na pagsusuri ang Territorio de Los Hombres Batch 1 ni Vanessa upang matukoy ang paulit-ulit na mga elemento sa hanay ng 12 aklat ng serye. Napag-alamang mayroon ngang partikular at pangkaraniwang pormula ang serye na may sariling kakanyahang hiwalay sa Teorya ng Mythos ni Frye na ginawang parametro. Mayroon ang TDLH 1 ng natatanging mga yugto (Resistance at Atonement), sariling daloy ng banghay (dalawang-siklong disenyo), at may sariling kayarian ng mga tauhan (presensiya ng heavy father surrogate na tricky slave at buffoon na tricky slave, walang agroikos). Sa pagbibigay-katwiran sa na nahalaw na batayang pormula ng serye, natagpuang nakabatay ang pormula sa lipunang pinagluwalan at kinapapalooban ng TDLH 1. Sinasalamin ng pakikipagsapalaran ng bidang babae para sa tunay na pag-ibig ang mga sitwasyon at

pantasya ng madlang-mambabasang kababaihang nakararanas ng maraming kawalan at pang- aapi mula pa panahon ng mga pananakop hanggang sa kasalukuyan.

Language

Filipino

Location

UPLB Main Library Special Collections Section (USCS)

Document Type

Thesis

This document is currently not available here.

Share

COinS