Tambay tayo! : ang konsepto, mga araw-araw na gawain at mga salik na humuhubog sa istambay

Date

12-2014

Degree

Bachelor of Arts in Sociology

College

College of Arts and Sciences (CAS)

Adviser/Committee Chair

Augustus T. Añonuevo

Abstract

Sa kabila ng lumalaking bilang ng mga tinatawag na ?istambay? sa ating bansa, nanatiling limitado ang mga kaugnay na literatura at mga pag-aaral na tumatalakay dito. Kung kaya naman bilang pagtugon sa pagkukulang na ito at upang higit pang unawain ang lumalawak na penomenang ito, ang pag-aaral na ito ay naglalayon na bumuo ng pangkalahatang konsepto na sumasaklaw sa salitang ?istambay? at ?buhay istambay? sa pamamagitan ng paggalugad sa mga kwentong-buhay ng mga napiling kalahok na istambay. Naglalayon rin ang pag-aaral na ito na mailarawan ang mga aktibidad ng isang istambay upang mapalawig ang salitang inactivity na ikinakabit sa kanya. Ang mga salik na humuhubog rin sa isang istambay ay isa sa mga nais bigyan ng malalim na pagtingin ng pag-aaral na ito. Ang pag-aaral na ito ay gumamit ng life-story interview hango kay McAdams (1995), participant observation, at pakikipanayam sa mga significant others ng mga kalahok upang makapangalap ng datos. Thematic analysis naman ang kwalitatibong metodong ginamit upang sipiin at suriin ang mga lumutang na mga tema sa pag-aaral. Sa pagtugon sa mga nabanggit na layunin, napag-alaman ng pag-aaral na ito na: Una, ang istambay ay maaring lalaki o babae, nakapagtapos ng pag-aaral o hindi, nagmula sa pamilyang nakaluluwag sa buhay o hindi, o maari ring nanggaling sa anumang grupo ng edad. Pangalawa, ang pagiging istambay ay bunga ng indibidwal na desisyon, mga sosyal na sirkumstansya at mga salik na humubog sa kanya: a) relasyon sa pamilya, b) relasyon sa kabarkada, c) ang pinakamasaya at d) pinakamalungkot na tagpo sa buhay. Pangatlo, ang pagiging istambay ay klase ng buhay na pinipili at hindi bunga lamang ng mga suliranin sa lipunan gaya ng kakulangan ng trabaho sa bansa. Pang-apat, pinipili ng istambay na lumahok sa iba?t-ibang klase ng gawain na hindi kumikita ng pera sapagkat hindi naman ito ang itinuturing niyang pinakamahalaga sa buhay. Kung kaya ang salitang inactivity na ikinakabit sa kanya ay mayroong nilalaman na mga gawain na repleksyon ng kanyang paninindigan sa pagkakaroon ng kalayaan at kapabilidad na gawin ang nais sa buhay, pagkakaroon ng kaginhawaan mula sa mga hamon at problema ng buhay, at ang pagkakaroon ng kapanatagan na mayroong masasandalan sa panahon ng kagipitan sa anyo ng mga kaibigan. Taliwas man ito sa kagustuhan ng lipunan, pinipili ito ng isang istambay sapagkat bilang isang tao, mayroon siyang mga sariling bagay na binibigyang halaga na nakapaghahatid sa kanya ng kaligayahan at kapayapaan ng kalooban. Panglima, ang isang istambay ay may labis naman na pagpapahalaga sa kaniyang pamilya. Subalit naniniwala naman ang pag-aaral na ito na ang kalayaan na hindi niya kayang bitawan ang tunay na temang iniikutan ng kaniyang buhay.

Language

Filipino

Call Number

LG 993.5 2014 S7 /A83

Notes

status: in process

loc: UPLB Main Library Cataloging Section

Document Type

Thesis

This document is currently not available here.

Share

COinS