Pagbabagong Anyo ng Bayan at Kultura: Ang mga pransiskano sa sinaunang meykawayan
Issue Date
1-2016
Abstract
Ang Meykawayan ay naging sentro ng kapangyarihang politikal at sentro ng kultura bago pa man dumating ang mga Espanyol. Saksi ito sa pagbubuo ng kultura ng mga taga-ilog. Binubuo ito ng maraming baryo na ang kabahayan ay nakahanay sa pampang ng ilog. Ang ilog ang naging lunduyan ng etnisidad, wika at kultura. Nagbago ito sa pagdating ng mga Espanyol sa Meykawayan. Dito nila itinatag ang kanilang misyon. Ang gawain ng pagtatatag ng mga visita at simbahan ay pinasimulan ng mga Pransiskan. Sa tulong ng Pmahalaang Espanyol nagtagpo ang pangangailagan ng pagtatatag ng mga simbahan at mga bayan. Ang dating malawak na bayan ay nahati sa walo. Itinampok sa pag-aaral ang salik a pagbubuo ng mga bayan--- ang pagkilos ng mga Pransiskano, ang paggamit ng lakas paggawa, at pakinabang sa mga institusyong pangkabuhayan. Nagbunsod ito ng malawak na pagbabago sa ugnayan hindi lamag ng mga mamamayan kundi maging ng mga bayan. Upang mabuo ang naratibo, sinangguni ang mga dokumento sa Pambansang Sinapunan (isang kalipunan ng mga dokumento mula sa mga namumuno sa mga bayan ng Bulakan noong 1768 ang lubhang naging mahalaga rito), ang mga akda ng mga paring kabilang sa Orden ng Nakapaang Pransiskano at iba pang mga relihiyoso. Malaki ang naitulong ng mga librong kabilang sa serye na muling inilimbag ng Historical Conservation Society noong dekada '70.
Source or Periodical Title
U.P. LOS BAŇOS JOURNAL
Volume
XIV
Issue
1
Page
81-94
Document Type
Article
Frequency
semi-annually
Physical Description
tables
Language
Tagalog
Recommended Citation
Mata, Roberto C., "Pagbabagong Anyo ng Bayan at Kultura: Ang mga pransiskano sa sinaunang meykawayan" (2016). Journal Article. 3873.
https://www.ukdr.uplb.edu.ph/journal-articles/3873