Abstract

Malalim ang epekto ng Batas Militar para sa henerasyon ng kabataang lumaki sa panahong iyon. At mababakas ang nasabing mga epekto hindi lamang sa kasaysayan, bagkus maging sa mga depiksayon sa panitikang Pilipino. Tumimo para sa maraming Pilipino ang mga alaala ng pangamba sa mga pagsalakay ng mga pulis o pagsita ng mga awtoridad laban sa mga gawi at kaisipan ng mga kabataan na tila sumasalungat sa pinaiiral noong mga patakaran at "moralidada". Sa kabilang banda, may mga kabataang pumayag na lamang magpalukob sa mahihigpit na mga atas ng gobyerno noon ni Pangulong Marcos, kahit tinutulan nila ito sa simula ng kanyang diktadurya. Makikita ang pagpayag na iyan, halimbawa, sa nobelang Killing Time in a Warm Place ni Jose "Butch" Dalisay. Gayumpaman, may mga di mapakali sa kaayusang ito, at piniling huwag nang manahimik kagaya ni Jun Cruz Reyes. Makikita sa nobela niyang Tutubi Tutubi Wag Kang Magpapahuli sa Mamang Salbahe. Susuriin sa papel na ito ang mga sirkumstansya kung magkataliwas ng paninindigan sa Batas Militar ang pangunahing mga kabataan tauhan sa dalawang nabanggit na nobela. Magsisimula muna ang pananaliksik sa pasangguni sa ilang detalye biograpikal ng mga awtor na saklaw ng papel na ito: Jun Cruz Reyes at Jose "Butch" Dalisay. Tatangkain niyang iugnay ang mga ito sa karaterisasyon ng ilang pangunahing tauhan ng mga katha ng dalawang awtor: si Jojo sa Tutubi... at Noel Bulaong sa Killing Time in a Warm Place, Bagamat kinatha ang mga pangyayaring ispesipiko sa mga akdaa, masasabing nakaugat sa mga partikular na lunang historikal ang naturang mga depiksyon. Gaya ng sa aktuwal na mga pangyayari, ang mga pangunahing kabataang tauhan sa mga nobelang saklaw ay a.) nanindigan laban sa laayusan ng Batas Militar o b.) tinutulan nila ito. Masasabing nagbabago o napapandindigan nila ang pananaw batay sa karanasan at paglipas ng panahon.

Source or Periodical Title

U.P. Los Baños Journal

Page

79-94

Document Type

Article

Language

Tagalog

Share

COinS
 
 

To view the content in your browser, please download Adobe Reader or, alternately,
you may Download the file to your hard drive.

NOTE: The latest versions of Adobe Reader do not support viewing PDF files within Firefox on Mac OS and if you are using a modern (Intel) Mac, there is no official plugin for viewing PDF files within the browser window.