Biograpikong manipulasyon sa pro-Espanyang partisipasyon ni Manuel Quezon at kolaborasyon ng kanyang Pamilya sa panahon ng himagsikang Pilipino

Roderick C. Javar, University of the Philippines Los Baños

Abstract

Nakatuon ang artikulong ito sa pagsuri sa ilang histiograpiko sa pananalambuhay kay Manuel Quezon, partikular sa pananalaysay sa mga pangyayari sa kanyang buhay at sa kanyang Pamilya mula 1896 nang sumiklab ang Himagsikang Pilipino laban sa Espanya hanggang bago ang pagsisimula ng Digmaang Pilipino-Amerikano noong 1899. Ano-anong biograpikong dulog ang ginawa ng mga opisyal na naratibo upang ikubli ang kolaborasyon niya at ng kanyang pamilya sa mga Espanyol sa panahon ng Himagsikan? Sa kaso ni Quezon, paano ang naging trato ng mga talambuhay sa mga detalye ng kolaborasyon ng pamilyang Quezon sa mga Espanyol at nassan sa pambansang naratibo ang mga salaysay hinggil sa kanya bilang kolaborador? Ipakikita kung paano nilinis at/o pinalabnaw ang maraming detalye, pagbaluktot sa ilang konteksto, at pagbura o pagpipi sa mga kontrobersyal na pangyayari upang ikubli ang kolaborasyon. Higit sa lahat, bibigyang-diin ang mga motibong politikal na nagbunsod sa manipulasyong biograpikal kay Quezon.