Issue Date
December 2019
Abstract
Mula sa mga primaryang batis na nasusulat sa wikang Espanyol at pawang isinalin sa wikang Ingles ng historyador at paring Heswitang si Horacio dela Costa ang limang artikulong ito ni Maria Lourdes Diaz Trechuelo. Pananaw ng Espanya ang pinagmulan ni Diaz-Trechuelo ng kanyang limang artikulo dahil mga dokumentasyon, ulat at mga personal na liham ang kanyang mga batis mula sa Real Sociedad Economica de Amigos del Pais, may atas mula sa Hari ng Espanya, na maglunsad ng pang-ekonomiyang plano sa Pilipinas. Masusi niyang sinaliksik at nagbunga ang mga ito ng mga pang-akademya niyang artikulo hinggil sa kalakalang agrikultural ng Pilipinas. Hinggil sa mga ginawang pang-ekonomyang plano ng Espanya, paano ipinatupad ang mga ito at anu-ano ang mga pangyayari sa kasaysayang pangkalakalan ng Pilipinas noong ika-17 at ika-18 daantaaon ang lima niyang artikulong ito. Ipinapakita niya kung paanong sinolo at inangkin ng Espanya ang Pilipinas sa pamamagitan ng pagsasara nito sa mga pamilihan sa mga bansa sa Timog-Silangang Asya na aktibong nakikipagkalakalan noon sa kolonya nito bago pa man dumating ang mga kolonisador na Espanyol.
Source or Periodical Title
U.P. Los Baños Journal
ISSN
01171461
Page
125-140
Document Type
Article
Frequency
annually
Physical Description
graphs
Language
English
Subject
Agriculture
Recommended Citation
Melencio, Gloria E., "Kalakalang agrikultural ng Pilipinas sa panahon ng kolonisasyon : pagbubukas, pagsasara at pagtatangkang pag-ahon" (2019). Journal Article. 3952.
https://www.ukdr.uplb.edu.ph/journal-articles/3952