Buthoan; pag-unawa sa sistema ng edukasyon ng isang kilusang milinaryan

Creator

Palmo R. Iya

Issue Date

8-2020

Abstract

Tinatawag na buthoon (bothoan) ang paaralan ng mga sinaunang Filipino. dito'y nililinang at hinuhubog ng mga gurong babaylan ang mga bata at kabataang kasapi ng pamayanan. Nilalayon ng saliksik na maipakilala at maunawaan ang sistema ng edukasyon ng Kilusang Propetikong Adbentista (KPA), isang milinaryang samahang lumabas sa Iglesyang Seventh-day Adventist (SDA) noong 1990s at naniwalang magwawakas na ang mundo at darating na ang inaasahang "Tagapagligtas" noong taong 2000-2002. Ibinenta ng mga kasapi ang kanilang mga ari-arian, nilisan ang kanilang mga trabaho, pinatigil ang kanilang mga anak sa pag-aaral, at nanirahan sa mga kabundukan. Sa hindi pagkatupad ng pinaniwalaang katapusan, ang mga kasaping nagpatuloy ay nanatili sa kanilang pamumuhay sa kabundukan at nagpasyang ang kanilang mga anak ay turuan na lamang sa kanilang mga tahanan at hindi na nila papasukin sa pormal na mga paaralan (publiko o pribado). Upang maisakatuparan ang layunin ng pag-aaral, hindi lamang metodolohiyang pangkasaysayan ang ginamit kundi maging etnograpiko, penomenolohikal at linggwistikong pamamaraan. Pinatutunayan ng ng pag-aaral na ang praktis ng KPA sa "bahay-paaralan" (home school) bilang "pandayan-sanayan" sa paghulma ng magandang kalooban (pagsunod sa kalooban ng Diyos) ay hindi lamang isang reaksiyon sa kawalan nila ng tiwala sa sistema ng edukasyong umiiral sa lipunan, kundi higit sa lahat, isang pagtatangkang magtatag ng isang "ideyal na pamayanan."

Source or Periodical Title

U.P. LOS BAŇOS JOURNAL

ISSN

0117 1461

Volume

XVIII

Issue

2

Page

1-32

Document Type

Article

Frequency

annually

Physical Description

map, table, pictures charts

Language

Tagalog

This document is currently not available here.

Share

COinS