Pagtiwalas o pagtalima? Dilemma sa pagpapasiya ng mga kabataang tauhan sa mga nobela nina Jun Cruz Reyes at Butch Dalisay

Issue Date

2020

Abstract

Malalim ang epekto ng Batas Militar para sa henerasyon ng kabataang lumaki sa panahong iyon. At mababakas ang nasabing mga epekto hindi lamang sa kasaysayan, bagkus maging sa mga depiksyon sa panitikang Pilipino. Tumimo para sa maraming Pilipino ang mga alaala ng pangamba sa mga pagsalakay ng mga pulis o pagsita ng mga awtoridad laban sa mga gawi at kaisipan ng mga kabataan na tila sumasalungat sa pinaiiral noong mga patakaran at "moralidad." Sa kabilang banda, may mga kabataang pumayag na lamang magpalukob sa mahihigpit na mga atas ng gobyerno noon ni Pangulong Marcos, kahit tinutulan nila ito sa simula ng kanyaang diktadurya. Makikita ang pagpayag na iyan, halimbawa, sa nobelang killing Time in a Warm Place ni Jose "Butch" Dalisay. Gayumpaman, may mga di mapakali sa kaayusang ito, at piniling huwag nang manahimik kagaya ni Jun Cruz Reyes. Makikita sa nobela niyang Tutubi Tutubi Wag Kang Magpapahuli sa mamang Salbahe. Susuriin sa papel na ito ang mga sirkumstansya kung magkataliwas ng paninindigan sa Batas Militar ang pangunahing mga kabataang tauhan sa dalawang nabanggit na nobela. Magsisimula muna ang pananaliksik sa pagsangguni sa ilang detalyeng biograpikal ng mga awtor na saklaw ng papel na ito:Jun Cruz Reyes at Jose "Butch" Dalisay. Tatangkain niyang iugnay ang mga ito sa karakteriasyon ng ilang pangunahing tauhan ng mga katha ng dalawang awtor: si Jojo sa Tutubi... at Noel Bulaong sa Killing Time in a Warm Place. Bagamat kinatha ang mga pangyayaring ispesipikong sa mga akda, masasabing nakaugat sa mga pangunahing na lunang historikal ang naturang mga depiksyon. Gaya ng aktuwal na mga pangyayari, ang mga pangunahing kabataang tauhan sa mga nobelang saklaw ay a.) nanindigan laban sa kaayusan ng Batas Militar o b.) tinutula nila ito. Masasabing nagbabago o napapandindigan nila ang pananaw batay sa karanasan at paglipas ng panahon.

Source or Periodical Title

Journal of Environmental Science and Management

ISSN

0117 1461

Volume

XVIII

Issue

1

Page

79-93

Document Type

Article

Frequency

annually

Physical Description

pictures

Language

Tagalog

This document is currently not available here.

Share

COinS