Issue Date

12-2021

Abstract

Hndi maihihiwalay ang pagbabagong anyo ng Grove (dating kilala sa pangalang Coconut Grove sa konteksto sa paglikha sa bayan ng Los Baños bilang 'College Town' dahil sa pagkatatag dito sa Unibersidad ng Pilipinas - Kolehiyo ng Agrikultura [kilala ito sa kasalukuyan bilang Unibersidad ng Pilipinas ng Los Baños (UPLB) noong 1909. Parehong produkto ng kolonyalismong Amerikano ang Grove at UPLB na tinitingnan bilang pampublikong espasyo. Sinasagisag ng una and pagtatagumpay ng pamahalaang Amerikano para sa pagpapaunlad ng ekonomiya at hanapbuhay ng mga Pilipino samantalang sinisimbolo ng huli ang edukasyong makapagbigay sa kanila ng kaalaman para s apagdedebelop ng mga teknolohiyang magagamit sa agrikultura. Sa orihinal na na anyo nito bilang taniman ng niyog, uniti-unting magiging 'commercial' at 'residential' ang Grove na tumutugon sa pangangailangan ng mga kawani at estudyante ng UPLB. Sa pag-aaral na ito, nais ipakita kung paanong inilarawan ng mga Amerikano ang Grove bilang espasyong kultural na nagpapakita ng pabago-bagong kahulugan nito batay sa pagtingin/paggamit nito para sa ekonomikong interes ng grupong 'The American Chamber od Commerce'. Inugat din sa pag-aaral kung panahong binago ng UPLB ang karaketer ng Grove mula sa pagiging taniman ng niyog tungo sa pagiging (sub)urbanisadong pook nito na nahahati sa 'commercial district' at 'bar district' na katangiang napakaloob sa konsepto ng 'College Town' na dinalumat ni Blake Gumprecht.

Source or Periodical Title

UP Los Baños Journal

Volume

19

Issue

1

Page

118-131

Document Type

Article

College

College of Arts and Sciences (CAS)

Physical Description

references

Language

Los Baños (Laguna)

Share

COinS
 
 

To view the content in your browser, please download Adobe Reader or, alternately,
you may Download the file to your hard drive.

NOTE: The latest versions of Adobe Reader do not support viewing PDF files within Firefox on Mac OS and if you are using a modern (Intel) Mac, there is no official plugin for viewing PDF files within the browser window.