Isang pagsasanay: pagpaparami ng bayrus-NPV ng mamumulpol, Spodoptera litura (L.) ng mga magsasakang kasapi ng Bantog Samahang Nayon Multi-Purpose Cooperative

Issue Date

10-2004

Abstract

Mahigit na 30 magsasaka ang nagsanay sa pagpaparami ng bayrus NPV sa barangay Bantog, Asingan, Pangasinan sa unang pagkakataon. Layunin ng pagsasanay na ito na magkaroon ng kaalaman ang mga kalahok sa pag-aalaga at pagpaparami ng mamumulpol; pagpaparami, paghahanda, pag-iimbak at paggamit ng bayrus NPV ng mga magsasakang kasapi ng Bantog Samahang Nayon Multi-Purpose Cooperative. Aktuwal na pag-aalaga ng mamumulpol gamit ay gabi, utaw at lutong pagkain at pagpapakain ng dahon ng mulberry na itinubog sa tubig na may bayrus NPV ang pinagsanayan. Ang naging produkto ng pagsasanay na ito ay unang ginamit ng ilang kasapi at ang iba naman ay inimbak. Apat na polyeto na naglalaman ng impormasyon tungkol sa mamumulpol at bayrus NPV ang ipinamahagi sa mga kalahok. Isang panukala ang isinumite sa ilang ahensiya ng pamahalaan upang mapondohan ang proyektong pagpaparami at pagbebenta ng kooperatiba ng bayrus NPV sa mga magsasakang may problema sa mamumulpol.

Source or Periodical Title

Philippine Entomologist

ISSN

0048-3753

Volume

18

Issue

2

Page

180

Document Type

Article

Frequency

semi-annually

Language

English

En – AGROVOC descriptors

SPODOPTERA LITURA; PLANT PESTS; NUCLEAR POLYHEDROSIS VIRUS; AGRICULTURAL COOPERATIVES; MULTIPURPOSE COOPERATIVES; PHILIPPINES

This document is currently not available here.

Share

COinS