Issue Date
2023
Abstract
Ang dekadang 1961-1972 ay panahon ng mga pagbabagong panlipunan, pampulitika, at pang-ekonomiya. Sumabay ang mga pagbabagong ito sa mga pangyayari at pagkaligalig sa ibang mga Kanluraning bansa, bagamat lumitaw rin ang mga limitasyon at istraktural na mga kahinaan ng Ikatlong Republika. Matapos ang ilang dekadang paghupa, muling umusbong ang aktibismo ng mga estudyante sa Pilipinas mula 1966 hanggang 1972. Pansamantala mang nahinto bunga ng pagdedeklara ng batas militar, dahan-dahang bumalik ang silakbo ng pagkilos ng mga estudyante sa kalagitnaan ng dekada 70. Sa kabilang banda, kumilos din ang pamahalaan noon upang kunin at ikontrol ang mga estudyanteng hindi pa nakukuha ang loob ng mga samahang radikal sa mga nakalipas na taón bago maisakatuparan ang batas militar. Sisipatin ng pag-aaral na ito ang mga naging tugon ng mga kabataan sa pagpataw ng Proklamasyon Blg. 1081 mula Setyembre 22, 1972 hanggang 1978, kung kailan lumahok ang Kabataang Barangay (KB) sa Interim Batasang Pambansa. Subalit, sisimulan ng 1970 ang pag-aaral sapagkat, ayon kay Petronilo Daroy, bilang isang “watershed year,” nagkasalubong sa nasabing taon ang mga salik upang maging posible ang pagpataw ng Batas Militar. Ginamit na konseptuwal na gabay ng pananaliksik ang tipolohiyang halaw sa pag-uuri ni David Wurfel sa mga naging reaksyon ng mga Pilipino sa nasabing yugto sa kontemporanyong kasaysayan ng Pilipinas.
Source or Periodical Title
UP Los Baños Journal
Volume
21
Issue
3
Page
23-46
Document Type
Article
College
College of Arts and Sciences (CAS)
Language
Tagalog
Subject
Estudyante, kabataan, batas militar, aktibismo, gobyerno, samahang panlipunan
Recommended Citation
Asuncion, Ruben Jeffrey A., "Mga kabataan sa "[bina]bagong lipunan" ng Pilipinas, 1970-1978" (2023). Journal Article. 6008.
https://www.ukdr.uplb.edu.ph/journal-articles/6008