Issue Date
2023
Abstract
May pagtatangka ang kasalukuyang henerasyon na aproksimahin at arukin ang karanasan ng panahon ng Batas Militar sa pamamagitan ng pagsisimpatya sa mga birtwal nitong eksibit sa social media na nagpaparanas sa kanila ng dalawahang simulakrum–isang ‘ginintuan’ o magandang karanasan at isang masama o mapait na karanasan, kinategorisa bilang ‘bangungot’ at ‘pantasya’ sa papel na ito; ito ngayon ang naglalarawan hinggil sa historikal na trahedya at kaunlaran, at batayan din ito ng pagpanig at pagbalikwas sa pakikipagdiskurso hinggil sa Batas Militar. Sa pag-aaral na ito, ginagamit din ang konsepto ng simulakrum ni Jeane Baudrillard sa pag-unawa sa umiiral na karanasang birtwal sa pagsasanaratibo ng Batas Militar, at sinusuri rin ang ilang online artifacts na sumasalamin sa pagpapakaranasan ng ‘bangungot’ at ‘pantasya’ ng diktadurya sa social media.
Source or Periodical Title
UP Los Baños Journal
Volume
21
Issue
3
Page
78-95
Document Type
Article
College
College of Arts and Sciences (CAS)
Physical Description
pictures
Language
Tagalog
Subject
simulakrum, birtwal na realidad, disimpormasyon, historikal na pamamaluktot
Recommended Citation
Estacio, Andrew A., "Karanasan ng bangungot at pantasya: simulakrum ng Batas Militar sa birtwal na espasyo" (2023). Journal Article. 6010.
https://www.ukdr.uplb.edu.ph/journal-articles/6010