Issue Date
2023
Abstract
Kontekstong historikal ng adapsiyon ng Unibersidad ng Pilipinas Los Baños (UPLB) sa Philippine Studies 21 (PS21) o Wika, Panitikan, at Kultura sa Ilalim ng Batas Militar sa Pilipinas ang mababasa sa pagbabahaging ito. Sinimulan ang papel sa maikling pagmamapa ng mga kursong General Education (GE) sa UPLB saka sinundan ng mga paliwanag tungkol sa pagtugon ng kurso sa marangal na tungkulin ng GE program at sa banghay ng interdisiplinaryong silabus. Ang papel na ito ay nagmimistulang pitasan ng mga rekomendasyon para sa mas pagpapabuti at pagpapatuloy ng pagtuturo ng PS 21. At, higit sa lahat, nagsisilbi itong paunang silip ng mga guro at ng mga pamantasang nagnanais umampon o dumisenyo ng parehong progresibo, marangal, at intelektuwal na kursong pangwika, pampanitikan, pangkultura, at pambatas militar sa loob at labas ng Sistemang UP.
Source or Periodical Title
UP Los Baños Journal
Volume
21
Issue
3
Page
126-151
Document Type
Article
College
College of Arts and Sciences (CAS)
Subject
Tagalog
Recommended Citation
Santos, John Carlo S., "Pagmamapa ng kasaysayan at pagsusuri sa silabus ng Philippine Studies (PS) 21 sa General Education Program ng Unibersidad ng Pilipinas Los Baños" (2023). Journal Article. 6012.
https://www.ukdr.uplb.edu.ph/journal-articles/6012