Issue Date
10-2024
Abstract
Pangunahing tema sa historyograpiya at agham pampulitikang Pilipino ang dominasyon ng mga elite sa mga kontekstong kolonyal, neokolonyal at “malaya” nang Pilipinas. Madalas banggitin ang mga personalidad na nanguna at nakinabang sa naturang pamumuno at pamamanginoon. Isang lantad na halimbawa ang panahon ng Komonwelt. Panahon man ito ng paghahanda mula sa ganap na kolonya ng Estados Unidos tungong pagkamit ng ganap na kasarinlan mula dito, nakikinita na ng ilang tagamasid ang mga problema sa pagpapatupad ng “demokratikong” pulitikang elektoral, sa paraang unang nilayon ng mga kolonisador na Amerikano. Iilang politiko lamang, na mula sa isang dominanteng partido, ang nahalal, at humawak, ng makapangyarihang mga puwesto kahit may pagmamasid pa rin ang mga Amerikano. Sinasabi mang sistemang dalawahang partido (two party-system) ang umiral sa Pilipinas sa kabuuan ng dantaón 20, hanggang 1972, ipapakita sa papel na ito na may mga partido sa laylayan ang nabuo at umiral noong dekada 30, gaya ng Young Philippines. Nagtangka pang magsama ng mga ito sa isang hugpungang pulitikal sa anyo ng Frente Popular. Subalit, kung sisipatin sa pinanunukala kong balangkas na mahigpit na ugnayan ng namumunong elite-estado, naisasantabi ang Frenteng Popular. Tatalakayin sa papel ang mga salik sa pagsasantabing ito.
Source or Periodical Title
UP Los Baños Journal
Volume
22
Issue
2
Page
34-50
Document Type
Article
College
College of Arts and Sciences (CAS)
Recommended Citation
Asuncion, Ruben Jeffrey A., "Ang pagbuo at paglusaw ng alyansang Frente Popular-Young Philippines, 1936-1941" (2024). Journal Article. 6295.
https://www.ukdr.uplb.edu.ph/journal-articles/6295