Issue Date
10-2024
Abstract
Batay sa isinusulong na mandato ng General Education (GE) Courses Program ng University of the Philippines (UP), kinakailangang maisingkaw sa pag-aaral at/o pagtuturo ng PI 10 (Philippine Institutions: The Life, Works, and Writings of Jose Rizal) ang panlipunang saysay (social utility) ni Jose Rizal tungo sa pagiging makatao at makabayan ng mga Pilipino. Kaakibat ng preskripsiyong ito ang integratibong paghuhugpong sa kaniyang kaisipan sa iba’t ibang disiplina at paksa. Layunin ng pag-aaral na ito ang integratibong pagsasalok sa katuturan ni Rizal sa iba pang kurso ng kasaysayan katulad ng HIST 1 (Philippine History) o KAS 1 (Kasaysayan ng Pilipinas) bilang GE Course at HIST 110 (Philippine Presidency) bilang Higher History Course. Mula sa mga nasabing kurso, partikular na sa kaso ng UP Los Baños, exploratoryong tatahiin ang pagbabalik-tanaw sa buhay ni Rizal na ang tuon ay may kinalaman sa Kakanyahang Malayo o Pan-Malayan Identity na kagyat iuugnay sa Kasaysayang Pampangulohan ng Pilipinas. Hindi gaanong natatalakay sa ilang pagkakataon ang bahagi ng buhay na ito ni Rizal at kaugnayan nito sa Kasaysayang Pampolitika. Kaya’t mula sa inaambagang kurso (PI 10), muling sisiyasatin sa diwa ni Rizal ang kalinangang Pan-Malayo na nakapaloob sa mas malawak na mundong Austronesyano bilang pagpapahalaga sa HIST 1/KAS 1 sa unang banda at kagyat na ipapalaot ang katuturan nito sa pananangkapan at retorikang politikal noong dantaon 20 bilang ambag naman sa HIST 110 sa kabilang dako. Higit na babalikan ang estado ng Kakanyahang Malayo sa administrasyon nina Manuel Quezon (1935-1944), Elpidio Quirino (1948-1953), at Diosdado Macapagal (1961-1965).
Source or Periodical Title
UP Los Baños Journal
Volume
22
Issue
2
Page
113-153
Document Type
Article
College
College of Arts and Sciences (CAS)
Recommended Citation
Tugano, Axle Christien J., "Pagbabalik-tanaw sa maagang malay ni Jose Rizal sa kakanyahang malay at pagsipat sa kinahinatnang pananangkapan at retorikang politikal dito noong dantaon 20" (2024). Journal Article. 6299.
https://www.ukdr.uplb.edu.ph/journal-articles/6299