•  
  •  
 

U.P. Los Baños Journal

Publication Date

12-15-2022

Abstract

Ipinakikilala ng papel na ito ang saysay ng pagkamalikhain ng guro sa pagbuo ng kagamitang instruksiyonal sa panahon ng pandemya at ang kabuoang landscape ng YouTube bilang isa sa mga daluyan ng karunungan sa panahon ng pandemya. Gamit ang binuong 40 akademikong bidyo na inuri ayon sa anim na kategorya— live steaming, webinar, e-pagtalakay, slide transition, video clips, at awtput ng mga mag-aaral, binibigyan ng dagdag na opsiyong kagamitang panturo ang mga guro sa antas tersarya sa panahon ng bagong normal, at suplimentaryong kagamitang panturo sa mga susunod na panahon pagkatapos ng pandemya. Sa bandang huli, nais ng papel na ito na imungkahi at ipagamit ang 40 akademikong bidyo sa kaguruang nagtuturo ng Life and Works of Rizal, Panitikan ng Pilipinas, Kontekstuwalisadong Komunikasyon sa Filipino, Pananaliksik sa Wika at Panitikan, at Introduksiyon sa Pamamahayag.

Share

COinS
 
 

To view the content in your browser, please download Adobe Reader or, alternately,
you may Download the file to your hard drive.

NOTE: The latest versions of Adobe Reader do not support viewing PDF files within Firefox on Mac OS and if you are using a modern (Intel) Mac, there is no official plugin for viewing PDF files within the browser window.