•  
  •  
 

U.P. Los Baños Journal

Publication Date

12-15-2022

Abstract

Binigyang-pansin sa pag-aaral na ito ang pagsusuri sa 32 kartun ng mga pahayagang pangkampus ng mga paaralang sekundarya ng Sangay ng Catanduanes gamit ang Picture Theory of Meaning ni Ludwig Wittgenstein. Matapos humingi ng pahintulot at kopya ng mga pahayagang pangkampus sa Pansangay na Superbisor sa Filipino, isinagawa ng mananaliksik ang mabusising pagsusuri ng mga kartun. Ang 32 kartun ay buhat sa mga pahayagang pangkampus na lumahok sa pangkatang patimpalak noong 2019 Division Schools Press Conference. Natuklasan sa pananaliksik na ito na mulat na ang mga kartunist sa mga isyung panlipunan at pampolitika dahil sa mga nasuring paksang may kaugnayan sa mga isyung pampaaralan, panlalawigan, panrehiyon, pambansa, at pandaigdig kagaya ng No Homework Policy, social media, pagpapanatili ng kalinisan at marami pang iba. Marami ding simbolismo ang ginamit ng mga kartunist kagaya ng salakot, lapis, aklat, puno, kuwaderno, aso, baboy, at iba pa. Bunsod ng mga natuklasang ito, ang mananaliksik ay bumuo ng dalawang mungkahing kagamitang panturo. Ang isa ay aklat na pinamagatang Debuho, isang sangguniang babasahin sa pagguhit ng kartun at ang isa ay isang academic vlog na naglalaman ng lektura ng mananaliksik hinggil sa wastong pagguhit ng editoryal kartun. Ang mga ito ay iminumungkahing ipinagagamit sa mga mag-aaral na kumukuha ng asignaturang Pamamahayag. Iminumungkahi ring ito ay ipagamit sa mga mag-aaral sa iba pang mga paaralan.

Share

COinS
 
 

To view the content in your browser, please download Adobe Reader or, alternately,
you may Download the file to your hard drive.

NOTE: The latest versions of Adobe Reader do not support viewing PDF files within Firefox on Mac OS and if you are using a modern (Intel) Mac, there is no official plugin for viewing PDF files within the browser window.