Ang Marxist feminism bilang sagot sa opresyon ng kababaihan sa lipunang Pilipino

Date

3-2003

Degree

Bachelor of Arts in Philosophy

College

College of Arts and Sciences (CAS)

Abstract

Ang pinakasentrong problema na nais sagutin sa papel na ito ay kung ang Marxist Feminism bilang pinakaepektibong peministang teorya na makapagbibigay ng kasagutan sa opresyon sa kababaihan sa lipunang Pilipino. Sa pagsagot sa problema, nagsimula ako sa pagbibigay ng mga kahulugan sa mga salitang epektibo, opresyon. patriarchy, feminism at Marxist Feminism.

Sinun at pinatunayan ang Marxist Feminism bilang sagot sa opresyon ng kababaihan sa lipunang Pilipino dahil akma ang Marxist na analisis sa opresyon rig kabahaihang Pilipino at ang pagkakaroon ng sosyalisadong paggawa ng babae at lalaki ay magdudulot ng pagbabago sa sitwasyon ng kababaihan sa lipunan

Inumpisahan ko ang pag-ugat ng opresyon sa kababaihan sa kasaysayan at pinagmulan ng isang lipunang pyudal-patriyarkal. Natukoy sa kasaysayan ng lipunang Filipino ang pagkakaroon ng pyudal-patriyarkal na sistema sa kasalukuyang lipunan. Sa ganitong kalagayan ng lipunan, ang mga kababaihan na nahahati sa iba't ibang uri ay nakararanas ng opresyon. Sa nararanasang opresyon ng kababaihang Pilipino, tinukoy na ang Marxist Feminism, ang pinakaepekitbong teorya na makapagbibigay ng kasagutan sa kalagayan ng kababaihan sa lipunang Pilipino. Bilang pagsusuri sa mga inihapag na mga pamamaraan ng Marxist Feminism at sagot sa opresyon ng kababaihan, ang pagkakaroon ng sosyalisadong paggawa at pagbabago sa pyudal-patriyarkal, mala-kolonval at malapyudal na lipunan ang makapagpabago sa sitwasyon ng kababaihan sa lipunang Pilipino.

Language

Filipino

Location

UPLB Main Library Special Collections Section (USCS)

Call Number

LG 993.5 2005 P5 M34

Document Type

Thesis

This document is currently not available here.

Share

COinS