Noon hanggang ngayon : isang pag-aaral sa mga nilalaman ng mga aklat-aralin patungkol sa mga kaganapan noong unang termino ni Pangulong Ferdinand E. Marcos at sa panahon ng batas militar
Date
6-2017
Degree
Bachelor of Arts in Sociology
College
College of Arts and Sciences (CAS)
Adviser/Committee Chair
Mark Anthony M. Quintos
Abstract
Pinag-aralan ng mananaliksik ang mga aklat-aralin na ginagamit simula 1980 hanggang 2015 at sinuri kung paano inilalahad ang mga kaganapan noong unang termino ni Pangulong Marcos at panahon ng Batas Militar. Sa pagsusuri ng mga aklat-aralin, napag-alaman na una, mas nabibigyang pansin sa mga aklat-aralin ang mga positibong kaganapan sa panunungkulan ni Pangulong Marcos kaysa sa mga negatibo. Pangalawa, lumabas na mas marami ang mga positibong temang nakikita sa mga nilalaman ng mga libro kaysa sa mga negatibong tema. Pangatlo, kung hahatiin ang mga libro sa mga ginagamit sa elementarya at sekondarya, makikita na mas nangingibabaw ang negatibong tema sa mga elementaryang libro at positibong tema naman sa sekondarya. Panghuli, sa unang termino ni Pangulong Marcos, makikita na ang mga aklat-aralin na nailathala kada dekada (1980s, 1990s, 2000s, 2010s) ay mas nagbibigay pokus sa mga positibong tema kumpara sa panahon ng Batas Militar na nag-iiba iba ang pokus ng tema kada dekada. Sa Dekada 1980s at 2000s, mas nabibigyang pokus ang positibo at pagdating naman sa Dekada 1990s at 2010s ay mas may pokus sa negatibo. Sa kabuuan, mapapansin pa din na mas nabibigyang importansya ang mga positibong kaganapan sa unang termino ni Pangulong Marcos at panahon ng Batas Militar kumpara sa mga negatibo base sa mga aklat-aralin na nakalap ng mananaliksik.
Language
Filipino
LC Subject
Marcos, Ferdinand E. (Ferdinand Edralin), 1917-1989
Location
UPLB Main Library Special Collections Section (USCS)
Call Number
LG 993.5 2017 S7 B39
Recommended Citation
Bayaoa, Hannah Faith P., "Noon hanggang ngayon : isang pag-aaral sa mga nilalaman ng mga aklat-aralin patungkol sa mga kaganapan noong unang termino ni Pangulong Ferdinand E. Marcos at sa panahon ng batas militar" (2017). Undergraduate Theses. 13584.
https://www.ukdr.uplb.edu.ph/etd-undergrad/13584
Document Type
Thesis