Kiliti sa kaibuturan ng katawang minarkahan : biro at dibuho ng mga Iwhos-ayan

Date

4-2014

Degree

Bachelor of Arts in Communication Arts

College

College of Arts and Sciences (CAS)

Adviser/Committee Chair

Remollo, William R.

Abstract

Binakas ng etnograpiya ang kamalayan at pagkatao ng mga Iwhos-ayan ng Buscalan, Tinglayan, Kalinga. Kilala sa sining ng tradisyonal na pagtatato at kasaysayan ng pamumugot-ulo sa mga engkwentro kontra katunggaling tribo, akma ang pang-uring minarkahan ?minarkahan? pantukoy sa mga Iwhos-ayang taglay ang mga tatong simbolo ng katapangan, ngunit simbolo ng karahasan sa mga hindi kabilang sa ili. Ngunit kung ipapako ang atensyon sa pagkataong mula sa loob, matutumbok ang kiliti sa kaibuturan ng katawang minarkahan. Nalilikha ng kiliting ito ang dalawang bagay: una, ay ang tawa at ikalawa, ang tuwa. Dahil naririnig ang kadalasa?y malakas na hagalpak, mas napapansin ang tawa kaysa sa tuwa. Ang huli?y mas mahirap busisiin dahil kadalasan, hindi rin ito nabubusisi ng mismong may kiliti. Kaiba sa tawa, na panlabas, ang tuwa ay panloob. Sa pagtukoy sa kiliti ng isang ili, nagsisilbing malakas na tawa ang mga biro ng mga Iwhos-ayan. Ang tuwa ay nagbigay liwanag naman sa kultura, politika at kasaysayan ng iling may taglay ng kiliti. Sa huli, natukoy ang mga salaysay ng kiliti at ang saysay ng mga ito bilang panananggal-pagod, panugtong-dunong, panakip-katotohanan, at panubos-dangal. Nakaambag rin sa mga pantawang pananaw ng mga Pilipino sa kaibuturan ng katawang minarkahan.

Language

Filipino

Call Number

LG 993.5 2014 M3 /P36

Notes

major: writing

status: in process

loc: UPLB Main Library Cataloging Section

Document Type

Thesis

This document is currently not available here.

Share

COinS