Abstract
Ang mga pelikula, lalo na ang mga pangunahing nagsisilabasan sa mga bahay-pelikula ay maaaring ipalagay na naglalayong kumita ng pera. Upang maabot ang inaasahang ito, gumagamit ang mga direktor ng mga pelikula ng mga elementong makapagpaoaganda sa mga ito upang mas lalong tangkilikin ng mga manonood. Ito ang tinatawag na Teoryang Pormalismo ng Pelikula. Anupa't sa kabilang banda, hindi maikakaila ang paggamit ng mga pelikula upang maipaabot ang mga aralin ng iba't ibang paksain, kasama ang pilosopiya. Maaari bang ipalagay na ang teoryang pormalismo ang dahilan kung bakit patuloy ang pagsandig ng mga guro sa pelikulabilang isa mga pamamaraan ng pagtuturo? Sa papel na ito, sinusuri ng may-akda ang dalawang pangunahing teorya ukol sa pelikula: Realismo at Pormalismo. Anupa't maigting ang mga ipinapalagay ng pormalismo, nakikita ng may akda na bahagi lamang ito sa mga kadahilanan bakit makapangyarihan ang mga pelikula sa silid-aralan. Ipinapalagay ng may-akda na kayang maging pilosopiya ng mga pelikula kung paghahabiin ang dalawang pangunahing teorya. Sa pamamagitan nito, makakamit ang pagsusuring ninanais.
Source or Periodical Title
U.P. Los Baños Journal
Page
55-62
Document Type
Article
Frequency
annually
Language
Filipino
Recommended Citation
Leyretana, Raemel Niklaus P., "Ang kaangkupan ng mga pelikulang maghatid ng pilosopiya sa silid-aralan: isang pagsusuri" (2021). Journal Article. 3924.
https://www.ukdr.uplb.edu.ph/journal-articles/3924