Issue Date

2023

Abstract

Idineklara ni Pangulong Ferdinand E. Marcos noong Setyembre 21, 1972 ang Proclamation 1081 na nagpasailalim sa bansa sa batas militar. Sentral sa kanyang mga batayan ang aniya ay laganap na rebelyon sa Pilipinas na naghahangad na pabagsakin ang kanyang gobyerno. Sinundan ang deklarasyong ito ng kanyang magkakaugnay na pahayag sa mga panayam at talumpati kung saan niya binigyang-diin ang estado ng “anarkiya at kawalang-batas” sa bansa na “isang malinaw at matinding banta” sa kaligtasan ng publiko.

Selektibong pinulot at muling pinaaalingawngaw ng mga propagandistang trolls na pro-diktadura/pro- Marcos sa kasalukuyan ang mga detalye ng deklarasyon ni Marcos noong 1972. Pinakakalat ang mga

detalyeng ito sa pamamagitan ng iba’t ibang plataporma sa social media at nasa konteksto ng 1) sanitisasyon at pagpapabango ng kasaysayan ng batas militar, at 2) apolohiya para sa Proclamation 1081. Tinukoy ng papel na ito ang mga detalyeng kinasangkapan para bigyang-katwiran ang deklarasyon noong 1972 na sinala at muling ipinalalaganap ng malikhaing reproduksyon ng kontemporaryong propaganda. Ginawa ito habang kasabay na tinugaygay ang paglalatag ni Marcos ng pundasyon ng kanyang awtoritaryanismo hanggang sa pagdedeklara ng batas militar. Sa ganito, nabigyan ng historikal na tugon ang mga detalye ng Proclamation 1081 at ng mga kontemporaryong bersyon nito sa mga pinakakalat na mga pampropagandang materyal sa social media.

Source or Periodical Title

UP Los Baños Journal

Volume

21

Issue

1

Page

48-65

Document Type

Article

College

College of Arts and Sciences (CAS)

Subject

Propagandang politikal, Distorsyong historikal, Diktadurang Marcos, Social media, Batas militar

Share

COinS
 
 

To view the content in your browser, please download Adobe Reader or, alternately,
you may Download the file to your hard drive.

NOTE: The latest versions of Adobe Reader do not support viewing PDF files within Firefox on Mac OS and if you are using a modern (Intel) Mac, there is no official plugin for viewing PDF files within the browser window.