Ang katubusan ng Filipinas: Ang kasaysayan mula sa ibaba

Professorial Chair Lecture

General Education Faculty Grant Professorial Chair Lecture

Date

7-2001

Abstract

Ang pagsusulat ng pambansang kasaysayan ay nangangailangan ng pagsasamsam ng lahat ng mga maliliit na kasaysayang may maiaambag sa pagbubuo ng isang larawan ng nakalipas. Ang paggamit ng iba't ibang pananaw ay hindi magiging makabuluhan kung hindi ito makakapagbigay ng kapangyarihan sa mga api at walang tinig sa pagbubuo ng bayan. Maging ang mga kapatiran ay mayroong bahagi sa pagtitipon ng pambansang karanasan.

Sa pag-aaral na ito binibigyang-diin ang naging pagkilos sa kasaysayan ng mga grupong milenaryo at kung paanong ang mga paniniwala ng mga ito ay may implikasyon sa pagbubuo ng bayan. Bahagi ang mga kapatiran sa pagdadalumat ng panahong pangkasaysayan. Nakilahok ang mga ito sa subersiyon hindi lamang ng kapangyarihang pulitikal ng mga kastila kundi maging ng pananaw sa kasaysayan. Ang paggamit sa simbolong si Rizal ang nagbigay ng oportunidad sa mga nasasantabi na mabawi ang kapangyarihang magbigay-hugis sa kanilang kasaysayan.

Location

UPLB Main Library Special Collections Section (USCS)

College

College of Arts and Sciences (CAS)

Language

Filipino

This document is currently not available here.

Share

COinS