Mula sa mga salaysay ng mga nakaraan: mga stigma, coping mechanism, pagtanggap, at mga salik sa maagang pagbubuntis ng anim na teenage mothers mula sa bayan ng Los Baños
Date
2019
Pagination
105 leaves : illustrations (some color) ; 28 cm
Adviser
Judith M. Bernardo
Abstract
Layunin ng pananaliksik na ito na aralin ang mga salik, stigma, at pagtanggap sa teenage pregnancy gayundin ang coping mechanisms at pagsubok na hinaharap ng teenage mothers ng Los Banos sa pamamagitan ng pagsusuri sa kanilang mga karanasan. Isinagawa sa mga barangay ng Mayondon at Putho-Tuntungin, ang anim na kalahok ay hinati sa tatlong kategorya ayon sa kanilang edad. Nagsagawa ng mga interbyu patungkol sa mga kadahilanan ng kanilang maagang pagkabuntis, mga pagsubok na nararanasan, at mga paraan upang harapin ang mga ito. Ang mga sumusunod ay mga temang umusbong na naglalahad ng mas malalim na pagtingin sa mga karanasan ng mga teenage mother: (1) Ang uri ng relasyon, partikular kapag hindi ito maayos, ng mga kalahok sa kanilang magulang o (2) kaya naman ang impluwensiyang dala ng mga kaibigan na teenage mothers din ay salik ng maagang pagkabuntis. (3) Ang relasyon at karanasan naman sa kinakasama ay tumatalakay sa lagay ng relasyon nilang magkasintahan nang sila ay magka-anak. Magkaakibat naman ang (4) stigmatization at (5) pagtanggap sa teenage pregnancy dahil lumalabas na tinatanggap ang pagiging teenage mother ng mga kalahok at ang stigma ay nagmumula na lamang sa mga taong hindi malapit sa kanila. Magkaakibat din ang mga (6) pagsubok at (7) coping mechanisms ng teenage mothers para sa mga karanasang ito. Ang pagiging matatag ay nagsisilbing coping mechanism nila upang harapin ang mga pagsubok sa pinansyal, pang-edukasyon, pang-kalusugan, at mental. Naipapakita nila ito sa pamamagitan ng
hindi pag-intindi sa mga negatibong sinasabi ng iba at sa halip ay patuloy silang nagsisikap upang makamit ang kanilang mga nais. At huh, ang (8) pagharap ng teenage mothers sa kanilang mga karanasan, ay patungkol sa kanilang mga piano at tunguhin para sa kanilang bagong pamilya. Mula sa mga temang ito, mailalahad na sa pagkakaiba-iba man ng mga salik sa pagiging teenage mothers, pare-pareho silang nakakaranasan ng mga pagsubok at panandaliang stigmatization. Makikita man ang unti-unting pagkupas ng stigmatization at pagpalit dito ng pagtanggap, mainam pa rin na pagtuunan ng pansin ang mga salik na nagiging dahilan ng pagkakaroon ng teenage pregnancy upang ito ay maiwasan.
Language
English
LC Subject
Capstone
Location
University of the Philippines Rural High School
Recommended Citation
Carpio, Ziah Bernadette S. and Recillo, Aeris Gabrielle R., "Mula sa mga salaysay ng mga nakaraan: mga stigma, coping mechanism, pagtanggap, at mga salik sa maagang pagbubuntis ng anim na teenage mothers mula sa bayan ng Los Baños" (2019). Capstones. 56.
https://www.ukdr.uplb.edu.ph/etd-capstone/56
Document Type
Capstone