Sekswal Pagsusuri sa diskurso ng kasarian sa mga piling akda mula sa seryeng Bud Brothers Unlimited ni Rose Tan

Date

6-2011

Degree

Bachelor of Arts in Communication Arts

College

College of Arts and Sciences (CAS)

Adviser/Committee Chair

Dennis Andrew S. Aguinaldo

Committee Member

Ellaine Beronio

Request Access

To request access of this material, please email the administrator at uscs-mainlib.uplb@up.edu.ph

Abstract

Mayaman ngunit kumplikado ang usapin ng kasarian sa loob ng kulturang popular. Iba‟t ibang hibla ng kritisismo ang nagbibigay ng maraming argumento tungkol sa mga konsepto at ideolohiyang kumikilos sa loob nito. Lubhang nakikita ang mga obserbasyong ito sa serye ng Tagalog na nobelang romansang Bud Brothers Unlimited ni Rose Tan dahil sa iba‟t ibang mga ideyang humahamon at sa kabila naman ay nagpapanatili ng mga panlipunang pamantayan sa kasarian. Dahil nakikita ang mga kontradiksyon at akto ng pakikipagtunggali sa loob ng kulturang popular, hindi malayo ang makabuluhang pagtingin sa nobelang romansa bilang tereyn ng paghamon sa mga restriksyong kriterya ng moda ng produksyon nito. Gamit ang lapit ng Sekswal/tekstwal na Politika, layon ng pag-aaral na ito ang imbestigahan ang diskurso ng kasarian at palutangin ang mga ideolohikal na konseptong may esensyalistang pananaw na pumapailalim sa mga nasabing tunggalian.

Language

English

Location

UPLB Main Library Special Collections Section (USCS)

Document Type

Thesis

This document is currently not available here.

Share

COinS