Pagpapahalaga sa kababaihan sa mga kursong GE sa Kasaysayan (Incorporating women's role in GE History courses)
Professorial Chair Lecture
GE Professorial Chair Lecture
Date
6-8-2000
Abstract
Ang papel na ito ay nagbibigay halaga sa mga ginampanang papel ng kababaihan sa mga kursong GE sa Kasaysayan, Kasaysayan I (Kasaysayan ng Pilipinas) at Kasaysayan II (Kasaysayan ng Asya). Nilalayon nito na magkaroon ng holistic na pagtuturo sa dalawang kursong nabanggit.
Kinakailangan na nating simulan ang pagbabalik sa babae sa kasaysayan at ang kasaysayan sa kanya. Hindi naman talagang nawala sa daloy ng kasaysayan ang kababaihan, nakaligtaan o tahasang kinaligtaan lamang silang isulat. Dahil sa napipiringan ang maraming historyador, lalaki man o babae sa tradisyonal na paraan ng pagsusulat ng kasaysayan, nalimutan ang halaga ng kababaihan sa mga pahina ng kasaysayan.
Pinaliliwanag sa papel na ito kung anu-ano ang dahilan ng pagkalimot ng kasaysayan sa kanya. Isa rito ay ang pagkakaroon ng pilosopiya sa kasaysayan na sinulat ng lalaki kaya tumitingin sa mata ng lalaki. Natural lamang ito kaya't hindi natin isisisi sa kanila, bagkus ay dadalumatin natin at saka hahabi ng kasaysayang holistic, kasaysayang kabilang ang kababaihan.
Sinasalaysay din ng papel kung saan sa entablado ng kasaysayan gumanap ang babae. Sa kasaysayan ng Pilipinas, titingnan natin ito mula sa alamat ni Maganda at Malakas hanggang sa unang taong natagpuan sa Palawan, at sa panahong datu kung saan ang bida ay babae. Sinilip din ang mga pagbabagong naganap sa lipunan at sa kababaihan nang dumating ang mga dayuhang Kastila, Amerikano at Hapon hanggang kay Pangulong Cory Aquino. Samantala, sa Asya naman makikita sa mga tradisyonal na sentro ng sibilisasyon ang marami nilang lakas at kagalingan.
Sa katapusan ay nagbigay ng mungkahing syllabus para sa pagtuturo ng Kasaysayan I at II, isang pagsusuma kung saan sa mga kursong ito maaaring ipasok at bigyan halaga ang papel na ginampanan ng kababaihan sa kasaysayan.
Location
UPLB Main Library Special Collections Section (USCS)
College
College of Arts and Sciences (CAS)
Language
Filipino
Recommended citation
Magbanua, Ma. Reina B., "Pagpapahalaga sa kababaihan sa mga kursong GE sa Kasaysayan (Incorporating women's role in GE History courses)" (2000). Professorial Chair Lecture. 766.
https://www.ukdr.uplb.edu.ph/professorial_lectures/766